CHURCH HISTORY
Part 1
( Introduction, Socrates to Roman Empire)
Panimula (Introduction):
Napaka dami
nang references na libro o kaya naman internet sources tungkol sa kasaysayan ng
simbahan. Ganoon din naman ang napaka daming katanungan tungkol dito tulad ng “saan ba ito nagsimula?”, “kalian ba ito nagsimula?,” “ ano ba talaga ang simbahan?”, at “ano ba ang tamang simbahan?”. Ilan lamang
ito sa mga tanong na nagtulak sa napaka daming pastor at mga Theologian na
nagsumikap magpaka dalubhasa upang mahanap ang mga kasagutan sa mga katanungang
ito at upang maipaliwanag or maituro din naman ito sa iba.
Theology: Sistematiko at
mapanuring pag-aaral ng mga konsepto tungkol sa Salita ng Diyos (Bibliya) at
tungkol sa nature ng katuruan ng relihiyion. Ito ay propesyon na napaglilinang
sa pamamagitan ng relihiyosong pag-aaral sa mga unibersidad, seminaryo, at
maging sa loob mismo ng simbahang kinabibilangan.
Bukod sa
mga Theologians na minsan ay
naakusahan na bias o hindi patas sa kanilang mga ginagawang pag-aaral dahilan
sa konggregasyon na kanilang kinabibilangan ay nariyan din ang mga alagad ng Siyensiya o Science upang pag-aralang
mabuti at busisiin ang kasaysayan ng simbahan. Ilan sa mga pag-aaral na ginagawa
ay sa pamamagitan ng Historical tracking
at ang iba naman by the use of evidences
na ginagamitan ng iba’t ibang scientific
methods.
Huwag nawa
kayo maguluhan sa malaking kaibahan ng pag-aaral ng CHURCH HISTORY sa pag-aaral
ng BIBLE mismo. Malaki ang pagkakaiba ng THEOLOGIAN sa HISTORIAN. Ang lahat ng
mga Theologians ay maaari din maging Historian ng magkasabay subalit hindi
lahat ng mga Historians ay mga Theologians. Ito po ay dahil sa ang lahat ng mga
Theologians ay mga mananampalataya na may kinikilalang Diyos kung saan ang
pinaka pundasyon ng kanilang pag-aaral ay ang Bibliya na mismo, ang Bibliya na
kung tutuusin ay isang History Book.
Samantalang
sa isang banda ay hindi lahat ng mga Historian o alagad ng siyensya ay
naniniwala sa Diyos. Maaari nilang gawing paksa ang Kasaysayan ng Simbahan nang
wala silang Diyos na pinaniniwalaan o kahit wala silang relihiyon.
Napaka
daming argumento tungkol sa pagiging Diyos ni Jesus. Ganoon pa man, isang bagay
lamang ang tiyak at iyon ay ang katotohanan na si Jesus ay lumakad sa lupa at
nag-iwan ng matinding impact sa kasaysayan. Jesus is the greatest and most popular Historical figure. He
became the landmark of world’s time. I
would say, it is because Jesus is God, and God holds the TIME. And time is the
most important element of History.
And
dalawang popular na argumento maging sa loob ng Christian community ay ”kalian
nga ba nagsimula ang Simbahan (Church)”. Sa loob ng Protestant belief ay nahahati sa dalawang paniniwala tungkol sa
panahon na pinagmulan ng simbahan. Ang isang paniniwala ay ito ay nagmula sa
araw ng Pentecostes kaya ang mga
congregation na naniniwala dito ay tinawag na Pentecostal Churches. Kasama din sa naniniwala dito ang Simbahang
Romano Katoliko. Ang isang paniniwala naman ay ito ay nagmula noong mag-umpisang mangaral si Hesus na
naganap bago pa ang araw ng pentecostes.
Note: Matatagpuan sa ACTS CHAPTER 2 ang
teksto tungkol sa Day of the Pentecost
Para sa kaalaman
ng lahat maging ng mga hindi pa ganoon ka lalim sa pagbabasa ng Bibliya, ang
Pentecostes ay naganap matapos ng pagkapako ni Hesus habang ang isang
paniniwala naman ay naka base sa pangyayari sa Bibliya nung mag-umpisa na si
Hesus mangaral at magtawag ng kanyang mga alagad matapos na siya ay ma baptismuhan
ni John the baptizer. Ang sumunod na pangyayari dito ay ang panunukso ng Dyablo
kay Hesus sa Ilang (wilderness).
Note: Matatagpuan sa MATTHEW CHAPTER 3 and
teksto tungkol sa pagpapa baptism ni Hesus.
Kung
susuriing mabuti, ang dalawang paniniwalang ito ay parehong Biblical. Pareho
itong sinusuportahan ng Bibliya. Ang tanong ngayon, alin dito ang tama, at alin
dito ang mali?.
Upang
masagot natin ang katanungang ito, mas minabuti ko na umpisahan natin ang
kasaysayan ng Bibliya sa pamamagitan ng pag-aaral ng kahulugan mismo ng
salitang SIMBAHAN or Church.
Bagama’t
walang eksaktong definition ang Bible tungkol sa Church, maaari nating daaanan
ang ilang texts para maunawaan natin ang mga ibig sabihin ng salitang CHURCH.
Opo, tama po ang inyong nabasa, “mga”
ibig sabihin”. Hindi ko na po pahihirapin ang pagpapaliwanag.
Ang unang
ibig sabihin ng “church” (mayroong maliit na letrang “c”) ay lugar ng sambahan.
Ito ang karaniwang pang-unawa ng nakararami. Ito ang lugar na pinagtitipunan ng
mga nananambahan (kabilang ang hindi
tunay na mananampalataya). Matatagpuan sa Matthew
18:17 ang sumusunod..
“If he refuses to listen
to them, tell it to the church. And if he refuses to listen even to the
church, let him be to you as a Gentile and a tax collector.”
Note: Hindi accurate na
basehan ang letrang “c” upang tukuyin ang uri ng simbahan sa Bibliya. Ang
pag-unawa ng simbahan sa pagbabasa ng Bibliya ay nakabase parin sa kung anong
nilalaman ng talata o teksto.
Ang pangyayaring ito ay naganap
bago pa man ang araw ng pentecotes (Pentecostal) subalit mismong si Jesus ang
nagbigkas ng salitang “church”. Hindi spiritual na
pangunguasap o talinghaga ang mga pahayag ni Hesus na ito bagkos malinaw na
siya ay tumutukoy sa lugar na dapat ay pagdalahan upang ganapin ang pag-uusig
or trial katulad ng ginagawa sa mga hukuman ngayon.
Ang isang ibig sabihin naman ng
Simbahan ay mauunawaan sa pagsusuri natin sa sa tekstong mula sa John 2:19
18The Jews then said to Him, "What sign
do You show us as your authority for doing these things?" 19Jesus answered them,
"Destroy this temple, and in three days I will raise it up." 20The Jews then said, "It took forty-six
years to build this temple, and will You raise it up in three days?"…
Noong sabihin ng Panginoon ang mga
bagay na ito, madali mong mauunawaan na hindi literal na gusaling simbahan ang
kanyang itatayo ng tatlong araw matapos niya itong buwagin bagkos ay Spiritual
na Simabahan. Ito ay may
kinalaman na sa kanyang kamatayan at sa mga mananampalataya sa kanya.
TIngnan pa natin ang dalawang
teksto sa Bibliya na mas malinaw na magbibigay ng isa pang ibig sabihin ng
Simbahan o templo matapos ang kamatayan ni Hesus.
For we are God's fellow
workers. You are God's field, God's
building.
1 Corinthians 3:17
If anyone destroys
God's temple, God will destroy him. For God's temple is holy, and you are that temple.
Malinaw na ipinaliwanag ni Apostle Paul dito kung sino ang
Simbahan o Templo ng Diyos. Ito ay ang tao na mismo. Hindi na lugar bagkos ang
buhay ng isang mananampalataya na siyang pinanahanan na Niya.
Alam kong maaari pa nating palawakin ang paliwanag tungkol
dito subalit huwag na muna tayo lumayo sa paksa tungkol sa kasaysayan ng
simbahan maging ito ay gusali man or Spiritual na Templo ng Diyos. Sa
makatuwid, mayroong dalawang uri nang Simbahan ayon sa Bibliya. Dahil dito,
mahirap natin umpisahan ang ating pagbaybay sa kasaysayan ng Simbahan sa
pamamagitan ng pag-gamit natin ang persona ni Jesus.
Note: Ang aking personal na
paninindigan at paniniwala ay si Kristo Hesus ay Diyos ng nakaraan, ng
kasalukuyan, at maging ng katapusan. Si Hesus ang natatangi at nag-iisang Head
ng Church.
Subalit para lamang hindi sabihin
ng mga mamababasa na bias ang artikulong
ito ay isasaalang alang ko ang literal o common na paniniwala ng lahat tungkol
sa simbahan na sa kasalukuyan ay hindi naman nahahati sa pamamagitan ng gusali
maging ng tao, bagkos ito ay nahahati sa pamamagitan ng paniniwala, doktrina,
at mga pamamaraan.
Mayroon nang simbahan o samabahan sa
lumang tipan, subalit maihahalintulad ito sa mga simbahan ngayon kung saan
magkahalo ang mananampalataya at hindi. Madaming nakikibilang sa pananambahan noon
kahit wala namang totoong pagmamahal at pananampalataya sa Diyos. Ang ilang ay
maaaring takot lamang dahil sa parusa na ipinapataw ng Diyos sa kanilasa tuwing
sila ay liliko sa pananampalataya.
Sa panahon naman ngayon ay madaming
pumapasok sa si simbahan kahit hindi naman talaga pinananahanan ng Banal na
Espiritu ng Diyos at ang iba pa nga ay pumapasok lamang upang maghanap ng butas
na maibabato na ibang kalaban na simabahan (spy). Habang ang iba naman ay may
iba pang motibong personal.Gayunpaman mayroon naring matatapat na
mananampalataya noon na katulad din naman ngayon.
Kung uunawain natin ng mas malalim,
sinagot na ng Bibliya ang tanong na “Ano ang tamang simbahan?”. Malinaw
na ang sagot ng Bibliya ay, pareho itong tama. Ang napakahaba kong panimula ay
ibinuod na ng Bibliya. Ipinaliwanag na ng Bibliya sa Bagong Tipan.
Panimulang Conclusion:
Dahilan sa ang totoong ibig sabihin
ng Simbahan ay grupo ng mga tao na nananampalataya sa Diyos, malinaw na napaka
habang taon na ang pinasimulan ng simbahan. Kaya malinaw ang simbahan ay hindi
nagmula sa panahon ng Pentesoctes.
PAGANISMO
Bagamat mayroon pagsamba sa
NAG-IISANG Diyos ni Abraham, Isaac, at Moses sa lumang tipan, mapapansin din
natin na ang madalas na pagkakamali ng mga Hudyo at mga Hentil ay ang pagsamba nila
sa ibang diyos diyosan. Sa lumang tipan ay masidhing kinapootan ng Diyos ang
ganitong kalikuan at sa daming beses na ginawa ito ng mga Hudyo ay di narin
mabilang ang pagkakataon na sila ay pinarusahan ng Diyos.
Dahilan sa hindi pa nagka
katawang-tao si Kristo sa panahong iyon, ang matitinding argument noon ay hindi
na pa nakatuon sa pagiging Diyos ni Hesus bagkos ay sa katangian ng Diyos at
kung ANO
ba talaga Siya. Makikita sa pag-aaral ng Bibliya na isa sa nagtutulak sa
mga tao noon sa pagsamba sa mga diyos diyosan ay dahilan na hindi
nakikipag-usap ang Diyos sa kanila maliban sa pamamagitan ng Propeta. Bunga ng
kawalan ng pasensya at maging ng pananampalataya. Hindi din natin maaaring
kaligtaan na ang tao ay likas na makasalanan at ang paganong pagsamba ay isa
lamang sa manipestasyon nito.
GREEK
PAGANISM
Ang pagsamba sa maraming diyos ay
naging custom o paniniwala narin sa Greece na nagbigay daan sa paglikha nila ng
napaka raming diyos tulad nila Zeus,
Hades, Poseidon, etc. Maaari din natin e consider na malaking bahagi ng Greek
culture ay nagmula sa implwensya ng Egyptian culture na
kilala sa pagiging PAGANO mula pa sa panahon ni Moses.
Ang Greece ay isang napaka unlad na
bansa na mayroong maunlad na sibilisasyon. Ang Greece na mayaman sa kultura at
tinawag din na kapanganakan ng Kanlurang Sibilisasyon ay mayroong napaka laking
ambag sa Kasaysayan ng Simabahan particular sa conflict ng mga katuruan na pinaglabanan
sa napaka habang panahoon na siyang nararamdaman parin natin ngayon sa loob ng
Christian and Religious Circle.
SI
HESUS BILANG BASEHAN NG KASAYSAYAN
Para sa pang-unawa ng lahat maging
ng mga hindi pa mananampalataya ay dadaanan ko ng bahagya ang bagay na ito na
nagpapakita na si Kristo ang may pinaka malaking ginampanang papel hindi laman
sa ating Kaligtasan bagkos maging sa ating kasaysayan (History). He is the most
significant historical Figure. Ang pagbilang natin sa panahon o taon
ay nahahati sa dalawa, ang BC na ang
ibig sabihin ay Before Christ at AD
na ang ibig sabihin ay Anno Domini or Year of our Lord. Si
Hesus ay naging Historical Landmark.
Dahilan sa mga pagkilos na pag-aalis
kay Hesus bilang pinakamahalagang tanda ng kasaysayan, ang BC ay pinalitan na sa BCE
na ang ibig sabihin ay Before the Common Era habang ang AD naman ay ginawang CE or
Common Era.
Hindi ko na papa komplikaduhin ito.
Dinaanan ko lamang ito upang mas maunawaan natin ang mga susunod na tatalakayin
ng artikulong ito.
PAGITAN NG LUMANG TIPAN AT BAGONG TIPAN
(400 Silent Years)
Makikita sa Bibliya na ang huling Propeta
ay si Malachi at pagkatapos ni Malachi ay nanahimik na ang Diyos sa
pakikipag-usap sa tao sa pamamagitan ng mga Propeta sa loob ng 400 na daang
tao. Ang period na ito ay tinawag na 400
Silent Years. Ang 400 Silent Years ay tinuldukan ng mag-umpisang mangaral
si John
the Baptizer ay mag proklama sa nalalapit na pagdating ng TAGAPAGLIGTAS o
MANUNUBOS.
Nais kong ipaunawa na 100 taon bago
tumigil ang Diyos sa pagpapadala ng kanyang Propeta ay nagsimula nang umusbong
ang Panahon
ng Pilosopiya sa Greece. Dadaanan
natin ito upang huwag din masabing bias ang pagsusuri kong ito sa kasaysayan ng
Simbahan.
Ang Human Philosophy ay katuruan na siyang
eksaktong kasalungat ng Katuruang Spiritual sa Bibliya. Nasabi ko ito hindi
dahil sa magkaibang katuruan na naghahati sa dalawa bagkos dahilan lamang sa
isang teksto na sinasabi sa Bibliya na
ang una ay sa
1
Corinthians 3:19
“ For the wisdom of this world
is foolishness to God. As the Scriptures say, "He traps the wise in the
snare of their own cleverness."
Ang pilosopiya ay paglilinang sa
kaalaman ng tao sa pamamagitan ng pagsagot sa walang katapusang pagtatanong
tungkol sa lahat ng bagay sa paligid. Ang human philosophy ay sinosoportahan
ng sistematikong pangangatwiran na naglalayong ipaliwanag ang lahat ng maaaring
itanong ng isang tao at hindi maiiwasan na madaanan nito ang mga katanungan
tungkol sa Diyos, sa pagkakalikha ng mundo, at ang walang hanggang potential ng
isang tao.
Ang ganitong kaisapan na nagmula pa
noong 500 years bago pa ang kapanganakan ni Hesus ay may napaka laking impluwensya
parin hanggang sa panahon ngayon. Napaka laki ng implwensya nito sa kasaysayan
ng Simbahan at sa pagkaka hati-hati ng mga Kristianong paniniwala.
Sa personal kong pananaw na naka
base sa Bibliya, malaki ang naitutulong ng pangangatwiran ng tao. Naniniwala
ako na ito ay kabilang sa talino na biyaya ng Diyos sa tao. Sa pangangatwiran o
patuloy na pagtatanong nag-ugat ang malaking pagbabago ng mundo at nag-uugat
ang mga malalaking pagbabago patungo sa hinaharap. Subalit ang pangangatwiran
or (reason) ay delikado or critical kapag pinag-usapan na ang Spiritualidad o
ang Diyos.
Bagamat ang Bibliya ay naka-handang
sagutin ang anumang tanong na maaaring ibato ng sinuman at maging patunayan ang
mga ito kahit sa pisikal na aspeto, hindi parin tama na ang isang tao ay
mananampalataya o maniniwala dahilan sa ito ay napatunayang tama o dahil
nasagot nito ang isang tanong, mas lalo na sa kadahilanan na ito ay napatunayan
ng Siyensya.
Ito ay dahil sa ang pananampalataya
(Faith) ay hindi naka base sa dahilan (reason) bagkos ito ay kaisa mismo ng
pananampalataya. Faith is the reason itself. Ang
walang humpay na paghahanap ng tao ng dahilan o katwiran pagdating sa Diyos ay
patuloy na maglalayo sa kanya sa totoong Diyos. Ayon sa Bibliya, Hebrews 11:1
“Now faith is the substance of things hoped for, evidence of things
not seen”
Ang paganong (pagan belief) paniniwala ng Gryego at Romano ay halos may malaking
pagkakapareho. Naninwala sila sa mga diyos na silang may likha ng mundo at ng
tao. Naniniwala sila na ang kanilang mga diyos ay maaaring magka-anak sa kapwa
nila diyos na immortal ay maging sa isag tao na mortal. Ang tawag nila sa anak
ng diyos sa isang mortal na tao ay DEMI-GOD. Sa mythology ang pinaka sikat na
example ng demi-God ay si Hercules at Persius.
Sa kaisipang ito nag-ugat ang
kanilang paniniwala na si Hesus ay isang demi-god lamang. Katulad natin,
pinaniniwalaa nila na si Hesus ay tao na nilikha lamang din ng Diyos. Ito ay
malaking salungat sa sinasabi ng Bibliya na “Siya ay nag katawang-tao”. Naimpluwensyahan
nito ang marami at nagbukas ng malalaking argumento tungkol sa pagiging Diyos
ni Hesus na naka apekto maging sa kasaysayan ng Simbahan.
Umpisahan
natin ang pag silip sa TIMELINE.
470 B.C : Birth of
Socrates (Athens)
-
Si Socrates ang tinaguriang “Foundation of Western Thinking”
-
Kilala siya sa “Socratic
Method” na ang paraan ay walang tigil o tuloy-tuloy na pagtatanong at pag
ku kwestyon sa mga kasagutan na patuloy din na ibinibigay.
-
Sa mga panahong ito ay kasalukuyang nagaganap ang mga huling
bahagi ng mga kaganapan sa Lumang Tipan ng Bibliya (Old Testament)
-
Isang taon bago ang kamatayan ni Socrates noong 399 BC ay
siya namang marka ng unang taon ng pananahimik ng Diyos o mas kilala sa 400 Silent Years.
-
Sakanya nag simula ang paniniwala na ang Mundo ang sentro ng
universe
428 B.C. : Birth
of Plato (Athens)
-
Si Plato ay ang numero unong estudyante ni Socrates.
-
Bagamat si Plato ay nakatutok sa gawang politikal, ang
kamatayan ni Socrates noong 399 ang siyang tuluyang nagtulak sa kanya upang
umalis na sa politika at magpatuloy sa pagpapalaganap ng mga naumpisahang pilosopiya
na kanyang natutunan kay Socrates.
-
Malaki ang impact o impluwesya ng mga katuruan ni Plato sa
kasaysayan ng simbahan.
-
Si plato ang may akda ng Neoplatonic Principle na
naglalaman ng isang Doktrina na nagdala sa kalituan ng maraming tao pagdating
sa usapin ng pagkilala sa Diyos, na siya ding naging malaking kaguluhan sa
simbahan matapos ang 400 taon.
-
Siya ang nagtayo ng School of Athens kung saan nagi
niyang studyante
-
si Aristotle
Doctrine
of “The One” ni Plato
Upang maging simple sa pang-unawa ng
lahat. And Neoplatonic Doctrine na ito ay nagsasaad lamang na ang lahat ay
nagmula sa ISA. Ang tinutukoy na
“One” ay ang nagiisang “Mabuti”. Ito ay sobrang buti na mas nagpapahirap na sabihin
na ito ay mag exist sa isang pisikal na pangangatawan.
Hindi mauunawaan ng sinuman ang
eksaktong katangian ng “One”. Ito ay higit sa spiritual na pananaw bagkos ito
ay may kinalaman din maging sa hiwaga ng lahat ng matatagpuan sa kalawakan (labas ng mundo). And doktrina ng “One”
ay kailanman hindi madadagdagan o mahahawakan o mailalarawan gamit ang ating
mga pangunahing pandama (paningin,pang-amoy,
panlasa, pandnig, ay maging ng pang-hawak). Hindi ito maaaring dumami,
lumaki or lumiit dahil ito ay NAG-IISA.
Ang “The One” ay ang siyang tanging
may kakayahan maglikha ng lahat na kung simpleng uunawain ay ito ay tumutukoy
sa ”Tagapag-likha” o “Diyos” para sa
ating mga Krsityano. Alalahanin natin na ang mga prinsipyo nila Socrates at
Plato ay hindi naka base sa relihiyon lalo pa’t hindi pa nagkakatawang tao si
Kristo sa mga oras na ito.
Ang Platonic Doctrine na ito ay may
maliit na paniniwala ng mga Hudyo noon tungkol sa “Nag-iisang Diyos” bagamat
magkalayo ang pinaka ibig sabihin nito. Kung susuriin ay malaki din ang
posibilidad na ang paniniwalang ito nila Socrates at Plato ay naimpluwensyahan
narin ng mga kaganapan sa lumang tipan na naganap bago pa sila ipinanganak.
Maaaring ang nag-bigay daan sa doktrinang ito ay ang kanilang walang humpay na
pagtatanong “Socratice method”, pangangatwiran, at paghahanap ng mas katanggap
tanggap na katuwiran at paliwanag tungkol sa Diyos at sa pinagmulan ng lahat.
384 B.C. : Birth of Aristotle
(Macedonia)
-
Si Aristotle ay estudyante ni Plato na siyang nagpatuloy ng
pagtuturo mula nang mamatay si Plato.
-
Tinagurian kauna-unahang lehitimong scientist nung mga
panahong iyon
-
Mula kay Socrates, dinala niya ang paniniwalang ang Mundo
ang sentro ng universe na siyang may malaking kinalaman sa pagkakahati
ng simbahan na madadaanan natin kapag tinalakay na natin ang simbahan matapos
ang kamatayan at muling pagka-buhay ni Kristo.
-
Namatay si Aristotle noong 322 B.C. at mula sa kanya ay
nagpatuloy ang pag laganap at pag-unlad ng Pilosopiyang pantaona hindi naka
base sa Salita ng Diyos dahilan narin sa hindi pa nakalimbag ang Bibliya (Old Testament Books) sa iisang aklat noon.
-
Isa sa pinaka mahalagang bagay tungkol kay Aristotle ay
pagigi niyan guro kay Alexander the Great.
356 B.C : Birth
of Alexander the Great
-
Nagsimula ang kanyang pamumuno nong 336 B.C. Siya ang
tumapos ng Persian Empire
-
Muntik na niyang masakop ang buong mundo sa pakikipaglaban
-
Isang malaking bahagi ng kanyng tagumpay ay ang pag gamit ng
relihiyon upang maging matapat sa kanya ang mga tao sa loob ng mga bansa na
kanyang sinasakop. Sinuportahan niya ang Pagan worship at mga diyos diyosan ng
Egypt, Persia, at maging ng Greece.
-
Dahilan sa kanyang kapangyarihan at sa lakas ng kanyang
emperyo ay umabot pa sa puntong idineklara niyang anak siya ng diyos na si
“Zeus” na siyang pinaka mataas na diyos ng mga Gryego.
-
Malaki ang naitulong ng kanyang emperyo sa paglaganap ng paganong
pagsamba at maging ng mga Pilosopiya ni Aristotle na kanyang natutunan kay
Aristotle.
-
Namatay at nag tapos ang kanyang pamamayagpag noong 323
Sa loob ng mahigit 300 taon bago ang
kapanganakan ni Hesu Kristo ay napaka dami pang pagbabago ang nangyari
pagdating sa pagpapalit ng emperyo, subalit hindi na natin dadaanan ang mga ito
dahilan narin sa kinuha ko nlamang ang pinaka mahahalagang paksa na may
kinalaman sa kasaysayan ng Simbahan.
Lalaktawan na natin ang ibang
kaganapan at tutungo na tayo sa paghahari ng Emperyo Romano. Bagamat nabigo ang
madami pasukin ang Arabia o Middle East na bahagi ng Asia, nagawa itong pasukin
ng Roman Empire kung saan dito naganap ang pinaka mahalagang pangyayari sa
ating kasaysayan at sa sangkatauhan, ang kapanganakan ng ang ating
Tagapagligtas na si Hesu Kristo.
31 B.C.: Rise of Roman Empire
-
Nag-umpisa ang Roman Empire noong maging Emperor ng Rome si
Augustus Ceasar
-
Napaka lawak ng naging sakop ng kapangyarihan ng Roman
Empire na maaaring nating maihalintulad sa empire ni Alexander the Great kung
saan ay nagbibigay sila ng maluwag na pagpapahintulot sa mga relihiyon maging
ito ay paganism o Judaismo.
-
Madadaanan ng emperyo ng Rome ang pagdating ni Hesus.
-
Sila ang magpaparusa kay Hesus sa udyok lamang ng mga
pariseo at mga tao na nagpapako kay Hesus mismo.
-
Madadaanan sa Bibliya ang pangyayari noong sinabi ni Hesus
na “Ibigay mo kay Ceasar ang para kay Ceasar” na tumutukoy kay Augustu Ceasar
na siyang Emperor noong mga kasalukuyang iyon. (iisa lamang si Julius Ceasar at
Augustu Ceasar).
-
Basahin ang Mark 12:17
Jesus said to them,
“Render to Caesar the things that are Caesar’s, and to God the things that are
God’s.” And they marveled at him.
Conclusion:
Kung susuriin natin ng mabuti, sa
loob ng humigit kumulang 500 tao bago ang pagdating ni Hesus ay nag eexist na
ang tatlong paniniwala, and Judaismo (Monotheistic belief about One God, Diyos
ng mga Hudyo), Paganismo (Idol worship), at ang Human Philosophy (Doctrine of
“The One” Socrates, Plato, and Aristotle). Wala pa ang Relihiyong Islam noon.
Sabay sabay ang tatlong ito na
nag-impluwesya sa kaisipan ng tao sa mundo. Gayoon pa man ay masasabi kong mas
malaki ang naging impluwensya ng Paganismo dahilan sa bukod sa ito ay naging
malaking kasangkapang political ng mga naglalabanang mga emperyo ay by-nature
ang tao ay mas madali sumamba sa diyos diyosan kaysa sa tunay na Diyos na
nahihirapan nlang maunawaan.
Ganoon din naman ay malaki ang
impluwensya ng Pilosopia dahilan sa pagkakaroon nila ng mga eskwelahan at sa
natamong tagumpay ni Alexander the Great na siyang estudyante ni Aristotle
hanggang sa paghahari ng Emperyo Romano. Ang Roman empire ay mayroong napaka
laking papel sa Kasaysayan ng Simbahan hindi lamang dahilan sa pagpaparusa at
pagpapako nila kay Hesus bagkos maging sa paglaganap ng Kristiyanismo.
Sa pagpapatuloy natin ay makikita na
natin ang pagpasok ni Hesu Kristo, ang Kanyang pangangaral sa Kanyang Simbahan,
ang Kanyang pagkamatay/muling pagkabuhay, pagpapatuloy ng mga Apostol, at
pagpapatuloy ng Simbahan matapos mamatay ang mga Apostol.